June 8, 2026 | News by PISD

๐๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ผ, ๐ถ๐ป๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ถ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐๐๐ฒ๐๐ฎ๐
08 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan- Apat na mga bagong pari at isang diyakono ang opisyal nang naordinahan ngayong araw sa Sto. Niรฑo Cathedral.
Pinangunahan ni 1st Diocese of Calapan Bishop Moises Cuevas ang opisyal na pagtatalaga sa mga sumusunod na mga bagong pari at diyakono sa pamamagitan ng isang Banal na Misa:
Rev. Rey Anthony Dinglasan Casapap (St. Nicolas De Tolentino Parish, Naujan);
Rev. Michael Sambrano Ilao (San Pedro Calungsod Mission Area, Baco);
Rev. Christian Silang Hernandez (Sts. Peter & Paul Parish, Bulalacao);
Rev. Vince Rodolf Quinton Pagilagan (Sta. Catalina De Alexandria Parish, Mansalay); at
Frt. Christian John Asignacion Atienza ( Divine Savior Parish, Bansud).
Simbolo ito ng kanilang pangakong paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang mga sarili at buhay sa Simbahan at komunidad.
Sinaksihan naman ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang okasyong ito na higit pang magpapalaganap sa misyon ng mga parokya sa lalawigan at tutugon sa pangangailangang espiritwal ng mga Mindoreรฑo.
Hinikayat naman ni Bishop Cuevas ang mga bagong naordinahan na ialay nang buong puso ang kanilang mga sarili sa Diyos at patuloy pang palaganapin sa mga mamamayan ang Kanyang pag-ibig. Dumalo rin at nakiisa sa gawain sina 1st District Representative Arnan Panaligan at dating Calapan City Mayor Malou Morillo.
