Spraymen, sinanay ng PHO at MHO Bansud

June 6, 2026 | News by PISD

🦟📚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐩𝐫𝐚𝐲𝐦𝐚𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 |

𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔, | 𝐆𝐀𝐃 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠, 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐮𝐝.

Nagsagawa ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐇𝐎), sa pakikipagtulungan ng 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐇𝐎) 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐬𝐮𝐝, 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐒𝐩𝐫𝐚𝐲𝐦𝐚𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠.

Dinaluhan ito ng mga bagong talagang Barangay at School Spraymen na magsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng mga dengue prevention and control activities sa kanilang mga komunidad at paaralan.

Sa pagsasanay na ito, tinalakay ang tamang paggamit at pangangalaga ng spraying equipment, wastong paghahanda at paghawak ng insecticides, mga safety protocols, at ang wastong pagsasagawa ng spraying operations alinsunod sa mga itinakdang pamantayan at gabay ng Department of Health.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga spraymen ng sapat na kaalaman at kasanayan upang maisagawa ang ligtas, tama, at epektibong spraying operations bilang bahagi ng pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng dengue sa mga barangay at paaralan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, mas napapalakas ang kahandaan ng ating mga komunidad sa paglaban sa dengue at iba pang vector-borne diseases.

.

.

.

.

𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐:

𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

#DenguePrevention#SpraymanTraining#HealthyCommunities#HealthySchools

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BM2Qoru3u/

Scroll to Top