Sa Nat’l Court of Honors for Eagle Scout 2026, 152 Eagle Scouts pinarangalan

June 6, 2026 | News by PISD

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐˜€

๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐Ÿญ๐Ÿฑ๐Ÿฎ ๐—˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐˜, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

06 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Pinarangalan ang 152 mga natatanging Eagle Scout sa ginanap na National Court of Honors for Eagle Scout 2026 ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) Oriental Mindoro Council sa Kapitolyo.

Pinangunahan ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor at kasalukuyang BSP Oriental Mindoro Council Chairperson ang seremonya ng paggagawad ng parangal bilang Eagle Scout, ang pinakamataas na award bilang myembro ng BSP.

โ€œBeing an Eagle Scout you are asked to feel the privilege of being honored and at the same time called upon to exercise your responsibility,โ€ ang mensahe ni Governor Bonz sa okasyon.

Aniya pa, ang pagiging Eagle Scout ay hindi lamang basta pagsunod sa mga panuntunan, kundi ito ay isang patunay ng tagumpay ng lahat ng sakripisyo sa scouting movements.

Kinilala rin at binigyang parangal ang 20 Top Achievers kung saan nakuha ni Sabrina Marie R. Almanon mula sa Canubing National High School ang Top Performing Eagle Scout Award 2026.

Itinanghal namang Most Outstanding Eagle Scout si Faith Nicole A. Torino

mula sa Canubing National High School.

Samantala, naging Guest of Honor sa naturang gawain si First District Board Member Ryan Z. Arago. Bilang dati ring Eagle Scout, ibinahagi niya ang kaniyang mga naging karanasan sa scouting noong siya ay nag-aaral pa lamang.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1H8eFc5rdx/

Scroll to Top