June 5, 2026 | News by PISD




PAALALA: Hindi obligadong gumastos ang mga guro mula sa sariling bulsa para sa paghahanda ng paaralan.
Pinahahalagahan ng #DepEdPhilippines ang kusang pagtulong ng mga guro, pero malinaw na hindi dapat sa personal na bulsa nakaasa ang school readiness.
Mahigpit na ipinatutupad ang No Collection Policy, at pinalalakas ang suporta sa pamamagitan ng School MOOE, tulong mula sa LGUs, partners, volunteers, at iba pang government agencies.
Ang #BrigadaEskwela ay hindi fundraising activity — ito ay whole-of-community effort para ihanda ang mga paaralan para sa learners. ![]()
#BrigadaEskwela2026#SchoolReadiness#ParaSaGuro#BagongPilipinas
