JobStart Trainees, nakiisa sa Mini Job Fair

June 5, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Matapos makumpleto ng 90 Jobstart Trainees ang 10 araw na Soft/Core Skills Training, kasalukuyan naman silang sumasailalim sa Mini-Job Fair para sa tatlong buwang technical training.

Ito ang susunod na yugto ng JobStart Philippines Program upang maihanda sila bilang mga mas produktibong manggagawa sa hinaharap sa pamamagitan ng pagbibigay ng teknikal at praktikal na karanasang pantrabaho.

Bitbit ang kani-kanilang resume at pag-asang matatanggap ng kumpanyang kanilang napili para sa susunod na pagsasanay, sumailalim ang interns sa interview bilang mga aplikante sa 17 pribadong kumpanya sa lalawigan.

Patuloy pa rin itong pinangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) na pinangangasiwaan ni PGDH-PPESO Antonio S. Magnaye, Jr., katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Patunay lamang ito ng mas pinalakas na programa ng pamahalaan tungo sa higit na ikauunlad ng mga kabataan sa lalawigan sa larangan ng trabaho.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EKrNtcJ7Q/

Scroll to Top