June 5, 2026 | News by PISD

Hunyo 5, 2026/PATULOY NA FEEDING PROGRAM AT HEALTH ADVOCACY
Isinagawa ngayong araw ng PHO Team ang Supplemental Feeding Program kaalinsabay ng pagpapataas ng kamalayan sa mga kaalamang pangkalusugan sa Barangay Lantuyang, Baco.
Naisagawa ang naturang gawain sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office ng San Teodoro, Barangay Nutrition Committee sa pangunguna ng mga Barangay Nutrition Scholars at ng 76th Infantry Brigade bilang pagpapatuloy ng layuning maiangat ang kalagayang pangnutrisyon ng komunidad ng naturang barangay.
Kabilang naman sa isinagawang health advocacy ng grupo ang Maternal Care, Measles Rubella Supplemental Immunization Activity, Routine Immunization, Human Immunodeficiency Virus at Hygiene Practices.
Inaasahang sa pagtutulungan ng mga health workers at mga katuwang nito, makakamit ang hinahangad na pag-angat ng sitwasyong pangkalusugan hindi lamang ng mga barangay manapa’y ng buong lalawigan.
