90 JobStart Trainees, nagsipagtapos ng Soft Skills Training

June 5, 2026 | News by PISD

๐Ÿต๐Ÿฌ ๐—๐—ผ๐—ฏ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ผ๐—ณ๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด

05 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Umabot sa 90 Jobstart Trainees ang nagsipagtapos ng 10-Day Soft/Core Skills Training na ginanap sa Mangyan Hall ng Provincial Capitol ngayong umaga.

Ang Jobstart Philippines Program ay inisyatiba ng pamahalaan upang maihanda ang mga kabataang naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng higit pang pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan at mga kaugaliang pampropesyunal sa pamamagitan ng mga libreng pagsasanay at internship.

Kabilang sa mga benepisyaryo nito ang mga kabataang nagsipagtapos ng kolehiyo, senior highschool at technical-vocational courses na pawang mga wala pang karanasan bilang mga empleyado.

Magkatuwang namang pinangasiwaan ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Services Office (PPESO) na pinamumunuan ni PGDH-PPESO Antonio S. Magnaye, Jr.

Bukod sa mga oportunidad pang-empleyo na handog nito, kaloob din ng pamunuan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor ang libreng tutuluyan ng mga trainees na nanatili sa Sentrong Pangkabataan sa kabuuan ng kanilang 10 araw na pagsasanay.

Matapos ito, sasailalim ang trainees sa isang Mini Job Fair na isasagawa mamayang hapon para sa kanilang tatlong buwang technical training na susundan ng tatlong buwang internship.

Sa pamamagitan ng Jobstart Philippines Program, inaasahang higit na mapapababa ang kawalan ng trabaho at mas mapauunlad ang kakayahan ng mga kabataan para sa mas produktibong pagganap ng kanilang mga tungkuling pang-empleyo sa hinaharap.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AstZTeXwd/

Scroll to Top