Accreditation Forum for Coops. isinagawa sa CITS

June 4, 2026 | News by PISD

๐—š๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ฃ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€, Isinasagawa sa ๐—–๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—น ๐—ถ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต (๐—–๐—œ๐—ง๐—ฆ)

ROXAS, Oriental Mindoro โ€“ Matagumpay na isinagawa ng Oriental Mindoro Provincial Cooperative Development Office (PCDO), sa pangunguna ni Orlando B. Tizon, ang Accreditation Forum para sa mga kooperatiba ng Ikalawang Distrito sa Capitol in the South (CITS) sa Roxas, Oriental Mindoro. Layunin ng forum na magbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga proseso, kinakailangan, at mga benepisyong kaakibat ng accreditation mula sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang mga resource persons sa aktibidad ay sina Engr. Evangelyn L. Barcibal ng ๐—ฃ๐—–๐—” ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, Ms. Eva Lorraine R. Cartaje ng ๐—–๐——๐—”-๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”, Atty. Jean Phebie G. De Mesa ng ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, at Ms. Hazel D. Gardoce ng ๐——๐—”-๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”. Nagbabahagi sila ng mahahalagang impormasyon ukol sa akreditasyon at mga programang maaaring mapakinabangan ng mga kooperatiba.

Naging katuwang din ng PCDO ang mga Cooperative Development Officers (๐—–๐——๐—ข๐˜€) ng Ikalawang Distrito, kabilang ang mga kinatawan mula sa Pinamalayan, Bansud, Roxas, Mansalay, at MCDO Bulalacao, bilang bahagi ng patuloy na suporta at koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programang pangkooperatiba sa lalawigan.

Alinsunod sa layunin ni Governor Humerlito A. Dolor na gawing mas abot-kamay at mas accessible ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa lahat ng Oriental Mindoreรฑos, isinasagawa ang aktibidad sa Capitol in the South (๐—–๐—œ๐—ง๐—ฆ), i pasilidad ng Pamahalaang Panlalawigan na nagsisilbing sentro ng mga pagsasanay, forum, konsultasyon, at iba pang gawaing pangkaunlaran para sa mga mamamayan ng Ikalawang Distrito.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Accreditation Forum sa CITS, naging mas madali at maginhawa para sa mga kinatawan ng mga kooperatiba sa Ikalawang Distrito ang paglahok sa aktibidad dahil nabawasan ang oras at gastusin sa paglalakbay. Higit sa lahat, napalawak nito ang partisipasyon ng mga stakeholder at pinatibay ang ugnayan ng pamahalaan at mga kooperatiba sa pagsusulong ng mas matatag, inklusibo, at sustenableng kaunlaran sa Oriental Mindoro.

#pcdo2026#pcdoonthego#AccreditationMatters#accreditation

Source: https://www.facebook.com/share/p/1FJ4CV3MwC/

Scroll to Top