Bagong potensyal na bagyo, magpapalakas muli ng Habagat

June 3, 2026 | News by PISD

BAGONG POTENSYAL NA BAGYO, NAGPAPALAKAS MULI NG HABAGAT!

UPDATE: Pinapalakas ng bagong Low Pressure Area na nasa 495 km hilagang-kanluran ng Pag-asa Island, #Palawan (nasa labas ng PAR) ang #Habagat ngayong umaga, na humahampas ngayon sa #Zambales, #Bataan, #OccidentalMindoro, at Northern #Palawan.

Asahan doon ang maulap na panahon at kalat-kalat na pag-ulan.

Posibleng pumasok ang LPA sa PAR bukas o sa Biyernes habang kumikilos pa-hilagang silangan papunta sa direksyon ng Taiwan. Bagama’t MABABA pa ang tyansa maging bagyo sa LOOB NG 24 ORAS, may posibilidad itong maging ganap na bagyo sa Biyernes, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA). Kung sakali man, tatawagin itong #EsterPH, ang ika-limang bagyo ngayong taong 2026.

Posible pang magbago ang datos na ito kaya’t manatiling updated!

Philippines Watch

Source: DOST-PAGASA, Japan Meteorological Agency

Source: https://www.facebook.com/share/p/1dg51DWLt1/

Scroll to Top