Php75.8M halaga ng tulong, kaloob ng Pamahalaang Nasyunal sa Oriental Mindoro

June 2, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ต๐—ฝ๐Ÿณ๐Ÿฑ.๐Ÿด๐—  ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด, ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

06 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Umabot sa Php75.8M ang pondong natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa Pamahalaang Nasyunal upang suportahan ang mga programang pang-edukasyon, pangkaunlaran, at pangkalamidad sa Oriental Mindoro.

Bilang kinatawan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, tinanggap ni Acting Provincial Treasurer Christine Myra D. Leviste, kasama si ABC President Board Member Ralph Jonnel D. Recto, ang Php72.8M sa World Trade Center, Manila noong ika-28 ng Mayo.

Gagamitin ang pondong ito upang mas mapalawig ang pamamahagi ng educational assistance para matulungan ang mga mag-aaral na matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa eskwela.

Gayundin, kabilang sa paglalaanan ng nasabing halaga ang pagbibigay ng tig-Php200,000.00 sa bawat barangay para sa kanilang mga prayoridad na proyektong magsusulong ng higit na kaunlarang mapakikinabangan ng mga mamamayan.

Dagdag pa rito, tinanggap din ni Acting Provincial Treasurer Leviste sa Malacaรฑang Palace ang tseke na naglalaman ng Php3M na tulong ng Pamahalaang Nasyunal para sa mga residente ng lalawigan na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Basyang.

Patunay ang inisyatibang ito ng malasakit at buong suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. sa mga programang higit na magsusulong ng progreso at mangangalaga sa kapakanan ng mga Mindoreรฑo.

๐™Ž๐™ค๐™ช๐™ง๐™˜๐™š: ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™๐™ง๐™š๐™–๐™จ๐™ช๐™ง๐™š๐™ง’๐™จ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š – ๐™Š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ง๐™ค

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Aro9tj4jP/

Scroll to Top