Pamahalaang Panlalawigan, higit na pinagtitibay ang ugnayan ng kooperatiba at MSMEs sa mga institusyong pampinansyal

June 2, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮 𝗮𝘁 𝗠𝗦𝗠𝗘𝘀 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹

02 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Higit na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na pinamumunuan ni PCD Officer Orlando B. Tizon, ang ugnayan ng mga kooperatiba at Micro, Small Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan sa mga institusyong pampinansyal matapos isagawa ang Financial Forum ngayong ika-02 ng Hunyo sa Vencios Garden Hotel and Restaurant, Lungsod ng Calapan.

Inimbitahan ng PCDO ang iba’t ibang institusyong pampinansyal at ahensya ng pamahalaan tulad ng Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Small Business Corporation at Department of Labor and Employment upang magbahagi ng mga mahahalagang impormasyong may kaugnayan sa financing windows, loan programs, enterprise development initiatives at technical assistance services na maaaring makuha ng mga kooperatiba at MSMEs.

Ayon sa PCDO, napapanahon ang gawaing ito lalo pa’t isa sa mga pangunahing kinakaharap ngayon ng mga kooperatiba at lokal na negosyante ang lkakulangan sa mapagkukunan ng sapat na puhunan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, magkakaroon ng malaking oportunidad ang mga kooperatiba at MSMEs na makakuha ng karagdagang puhunan para sa patuloy na pagpapalawak at pagpapa-unlad ng kanilang mga negosyo.

Samantala, nakatakda namang isagawa ang ikalawang (2) bahagi ng forum na ito sa ika-10 ng Hunyo sa Capitol in the South sa bayan ng Roxas.

#TheCapitolNews

Photo courtesy: Provincial Cooperatives Development Office Oriental Mindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/18oRwCoUCR/

Scroll to Top