June 2, 2026 | News by PISD



𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗗𝗢, 𝗶𝗻𝗶𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗖𝗗𝗔
Upang higit na maagapayan ang mga kooperatiba sa lalawigan, sumasailalim sa dalawang (2) araw na Training of Trainers (
) ang 55 Cooperative Development Officers at mga kawani ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) para maging ganap na Accredited Training Providers (ATPs) ng Cooperative Development Authority (CDA) simula ngayong ika-02 ng Hunyo via zoom.
Pinangungunahan ng Marinduque State University (MarSU), isang ATP ng CDA ang naturang pagsasanay.
Layunin nitong mapahusay ang kakayahan at kaalaman ng mga training provider sa lalawigan ukol sa maayos na pagpaplano, pagpapadaloy at paghahatid ng de-kalidad na mga programang pangkooperatiba.
Ayon sa PCDO, tinitingnan itong mahalagang pundasyon sa posibleng pagbuo ng Provincial Pool of Cooperative Trainers na ma ngunguna sa pagbibigay ng mandatory training, cooperative education at iba pang capacity building interventions sa mga kooperatiba sa lalawigan.
: Provincial Cooperatives Development Office Oriental Mindoro
