June 2, 2026 | News by PISD



𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲.
Noong May 18, 2026 ay nagpatawag tayo ng dayalogo kasama ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) at Independent Power Providers (IPPs). Ito na ang kasalukuyang kalagayan ng mga hakbang na napag-usapan upang mapunan ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa lalawigan:
As of June 1, 2026
1.) Lot 4 (5MW Naujan) – Nag-umpisa na ang operasyon at nagbibigay na ito ng 3MW na suplay sa Naujan Area.
2.) Lot 5 (14MW Pinamalayan) – Nakapagpadala na tayo ng liham sa Energy Regulatory Commission (ERC) para sa iskedyul ng hearing.
3.) Lot 6 (10MW Bansud) – Nakikipag-ugnayan na tayo sa NPC at Transco upang maikabit sila sa T-Connect (69KV)
4.) Lot 7 (8MW Roxas) – Nag-umpisa na ang operasyon at nagbibigay na ito ng 3.5MW sa Roxas Area.
Patuloy na umaagapay ang Pamahalaang Panlalawigan upang mapunan ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa lalawigan. Bagaman ang ORMECO ay isang kooperatiba at hindi pag-aari ng Pamahalaan, ang naapektuhan nito ay ang ordinaryong mamamayan.
