Isang komprehensibong solusyon bilang isang lalawigan

June 1, 2026 | News by PISD

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐫𝐞𝐡𝐞𝐧𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐨𝐥𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧.

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰, 𝘪𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘶𝘱𝘰 𝘰 𝘪𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘦𝘨𝘰𝘴𝘺𝘰. 𝘉𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰.

Matapos ang naging dayalogo noong May 18, 2026 kasama ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) at Independent Power Providers (IPPs), ibinahagi natin ang naging progreso ng naging usapan. Sa Kasalukuyan, gumagana na ang 2 (Naujan at Roxas) sa 4 na Lot inaasahan ng ORMECO. Habang patuloy ang pagproseso ng 2 pa.

Ngayong umaga, humarap tayo sa Sangguniang Panlalawigan upang magpahayag ng mensahe ng pakikiisa at maglatag ng isang komprehensibong solusyon sa nararanasang kakulangan sa suplay ng kuryente sa lalawigan. Naghain tayo ng mga aksyon at resolusyong mas makakatulong sa pagresolba ng kakulangan ng suplay ng kuryente at mapanagot ang mga may kakulangan.

Mas paiigtingin pa natin ang pagtitipid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng mga sumusunod:

1.) FONTANA DEL GOBERNADOR, Pinamalayan

2.) PLAZA DEL GOBERNADOR, Calapan City

3.) ORIENTAL MINDORO HERITAGE MUSEUM, Calapan City

4.) ORIENTAL MINDORO CULTURAL AND HERITAGE CENTER, Mansalay

5.) SENTRONG PANGKABATAAN, Calapan City

Source: https://www.facebook.com/share/p/1MZjegPdHp/

Scroll to Top