June 1, 2026 | News by PISD


๐ญ๐ณ๐ณ ๐๐๐ฃ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐, ๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ข๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐๐ฏ๐ผ
01 Hunyo 2026, Lungsod ng Calapan – Handa nang magturo ang 177 interns ng Government Internship Program (GIP) na magsisilbing mga guro sa ilalim ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP).
Itoโy matapos silang sumailalim sa ZIIP Orientation na magkatuwang na pinangunahan ng ZIIP-Technical Working Group at Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa loob ng anim na buwan, ang mga nasabing GIP interns na pawang nabibilang sa Indigenous Peoples (IPs) community ay magsisilbing mga tagapagturo ng mga kapwa nila IPs sa lalawigan upang matutong bumasa, sumulat at magbilang.
Ang ZIIP ay isa sa mga mahahalagang programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga katutubo na isinusulong ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor.
Itoโy kasabay ng kaniyang malalim na adhikaing mas mailapit ang edukasyon para sa IPs upang walang maiiwan sa kanila sa larangan ng karunungan at mas madali silang makasasabay sa pag-unlad ng lipunan.
Sa pamamagitan ng nasabing oryentasyon, nabigyan ng mahahalagang gabay ang interns sa proseso ng kanilang magiging trabaho para sa higit na ikatatagumpay ng programa.
Nabigyang-kaalaman din sila ukol sa mga libreng programang pangkalusugan na handog ng PhilHealth tulad ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) at Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) Program.
Bilang katuwang naman sa nasabing programa, ipinaliwanag ng Palawan Group of Companies ang mga pamamaraan upang makuha ng GIP interns ang kanilang sahod.
Matapos ang oryentasyon, agad na rin silang dumako sa pagpirma ng Internship Agreement na katunayan ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad bilang mga tagapagturo sa ilalim ng ZIIP.
Bukod dito, ipinamahagi rin sa kanila ang instructional materials, notebooks, at iba pang mga kagamitan para sa kanilang magiging pagtuturo.
Sinuportahan naman ang gawain ni NCIP Oriental Mindoro OIC – Provincial Officer Jay Garcia.
