Pagtatayuan ng Regional Hospital sa lalawigan, personal na inispeksyon ni DOH Sec. Herbosa

May 31, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗻𝘀𝗽𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶 𝗗𝗢𝗛 𝗦𝗲𝗰. 𝗛𝗲𝗿𝗯𝗼𝘀𝗮

31 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan – Personal na ininspeksyon ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” J. Herbosa ang mahigit apat (4) na ektaryang lupang planong pagtayuan ng bagong Regional Hospital sa Barangay Ilaya, Lungsod ng Calapan.

Sa kanyang pagbisita, dala niya ang malaking pag-asa sa katuparan sa mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan, hindi lamang para sa lalawigan ng Oriental Mindoro, maging sa kabuuan ng Rehiyong MIMAROPA.

Kasama si Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at mga kawani ng Provincial Engineering Office (PEO), inilatag nila ang kabuuang plano ng proyekto kay Sec. Herbosa.

Mayroon nang nakalaang paunang pondo na nagkakahalagang ₱ 100M para sa proyekto. Kabilang dito ang ₱ 50M mula sa Local Government Support Fund (LGSF) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ₱ 50M mula naman sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ang magiging sentrong pasilidad na magbibigay ng espesyal na serbisyong medikal sa mga mamamayan sa buong rehiyon.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AoLfyWbmZ/

Scroll to Top