Ina ng Ampao sa Gloria, isang centenarian

May 30, 2026 | News by PISD

𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐦𝐩𝐚𝐨 (𝐏𝐨𝐩 𝐑𝐢𝐜𝐞) 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐆𝐥𝐨𝐫𝐢𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧.

Anong kwentong Ampao o Pop Rice mo?

Si Nanay Jovita Dimaala ay isang centenarian (100 years old) mula sa Barangay Maligaya, Gloria. Sa murang edad ay sinimulan niya ang paggagawa ng Ampao o Pop Rice na kinalaunan ay kinilala bilang isa sa sikat na produkto ng lalawigan. Itinaguyod niya ang kaniyang pamilya sa paggawa at paglalako ng ampao. Matapos ang ilang dekada, patuloy na isinasalin ni Nanay Vita ang tradisyon at recipe ng paggawa ng ampao hindi lang sa kaniyang pamilya kundi sa buong komunidad.

Kinikilala natin ang naging kontribusyon ni Nanay Vita sa ating kasaysayan. Pinagpala siya dahil sa kabutihan ng kaniyang puso.

Congratulations, Nanay Vita sa ika-100 taong pamumuhay at kabaitan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1YBPHv1BHA/

Scroll to Top