May 29, 2026 | News by PISD


๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ๐ต.๐ฏ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ, ๐ธ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ฆ๐๐ฎ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ, ๐ก๐ฎ๐๐ท๐ฎ๐ป
29 Mayo 2026, Naujan – Mula sa lubak-lubak na daan, mas maaalwan, mabilis at ligtas na ngayong makapagbibyahe ang mga residente ng Brgy. Sta. Maria at mga karatig barangay nito sa Naujan.
Itoโy matapos opisyal nang pasinayaan ang Php9,335,220.69 na bagong kongkretong kalsada na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa Sitio Munting Paraiso kasabay ng pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng nasabing barangay.
Sa inisyatiba ng administrasyon ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, higit na magiging madali at mabilis ang transportasyon ng mga mamamayan, produkto at serbisyo sa bahaging ito ng Naujan.
Tiniyak naman ng Gobernador na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, tuluy-tuloy ang mga proyekto para sa naturang barangay.
Lubos naman ang pasasalamat ni Sta. Maria Brgy. Captain Pedro Aday sa Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing proyektong aniyaโy matagal na nilang hinahangad na maisaayos at ngayoโy tiyak na magbibigay ng lubos na kaginhawahan sa kanilang mga residente.
Gayundin, lubos ang tuwa ni Kapitan Emiliano Eleponga ng karatig na Brgy. Apitong sapagkat bagamaโt hindi sa kanilang barangay ang nasabing kalsada, malaking kapakinabangan din ito sa mga mamamayan ng kanilang barangay.
Nagpakita ng suporta sa gawain sina First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Naujan Vice Mayor Dan Melgar, kasama sina Naujan Sangguniang Bayan Councilors Wil Viray at Pat Dolor, at si Provincial Engineer Edylou Tejido.
