Aquaculture Boost sa OrMin: 550,000 Bangus Fry at Vannamei PL, ipinamahagi sa 111 Fishpond Operators

May 29, 2026 | News by PISD

๐—”๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—•๐—ผ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ: ๐Ÿฑ๐Ÿฑ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐˜€ ๐—™๐—ฟ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ถ ๐—ฃ๐—Ÿ, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿญ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐Ÿฆ๐ŸŸ๐ŸŒŠ

Bilang patuloy na suporta sa sektor ng pangisdaan, matagumpay na naipamahagi ngayong Mayo 28, 2026 ang kabuuang 250,000 pirasong Vannamei post-larvae at 300,000 bangus fry sa 111 fishpond operators mula sa mga bayan ng Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong, at Calapan City.

Isinagawa ito sa ilalim ng Aquaculture Productivity Enhancement Support Program ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO), bilang bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor upang higit pang mapaunlad ang industriya ng aquaculture sa lalawigan.

Layunin ng programa na suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na fishpond operators, tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng bangus at vannamei shrimp, at mapataas ang produksyon at kita ng mga nagpapalaisdaan. Inaasahan ding makatutulong ang naturang programa sa pagpapatibay ng food security at pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya sa buong lalawigan.

Bukod sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng sektor ng aquaculture, nakatuon din ang programa sa pangmatagalang pagpapatatag ng industriya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng livelihood resilience ng mga fishpond operators at pagsusulong ng sustainable aquaculture practices para sa mas balanse at pangmatagalang kaunlaran ng Oriental Mindoro.

Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ang suporta nito sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa pamamagitan ng mga programang naghahatid ng konkretong tulong, oportunidad, at pangmatagalang kaunlaran para sa mga Mindoreรฑo. ๐ŸŒŠ๐Ÿ’™

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bioy1NL97/

Scroll to Top