MOA Signing para sa GIP-ZIIP, pinaghahandaan na

May 28, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—œ๐—ฃ-๐—ญ๐—œ๐—œ๐—ฃ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ

28 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Pormal nang naisapinal ang mga plano para sa isasagawang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at DOLE para sa Government Internship Program-Zero Illiteracy and Innumeracy Program (GIP-ZIIP) ng mga katutubong Mangyan sa lalawigan.

Itoโ€™y matapos magkatuwang na nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Public Employment Services Office (PPESO) na pinangangasiwaan ni PPES Officer Antonio S. Magnaye, Jr. at Department of Labor and Employment Office (DOLE) MIMAROPA sa pangunguna ni Assistant Regional Director Emerito A. Narag ngayong araw sa Mangyan Hall ng Provincial Capitol.

Layunin ng GIP-ZIIP na matulungan ang mga katutubo sa lalawigan na matutong bumasa, sumulat, at magbilang sa pamamagitan ng mga GIP teachers na magsisilbi bilang kanilang mga tagapagturo.

Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mahahalagang tungkulin na gagampanan ng GIP-ZIIP Technical-Working group upang matagumpay na maisagawa ang programa.

Partikular na dito ang pagtitiyak ng kaligtasan ng mga dadalo at maayos na pagpapadaloy ng nasabing gawain.

Dumalo naman sa gawain sina Board Member at Provincial IPMR Lagtum Pasag, Provincial Legal Officer Atty. Francheska Laurent L. Feraren, at mga kinatawan mula sa DOLE-Oriental Mindoro, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Health Office (PHO) Provincial Planning and Development Office (PPDO) at Governorโ€™s Office (GO).

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Pxv4L63xH/

Scroll to Top