May 28, 2026 | News by PISD

JUST IN: Herald Calinoy at Lyca Balombong ng Bayan ng Bulalacao kinoronahang G. at Bb. Katutubong Mangyan 2026.
Itinanghal na 1st Runner-Up sa male division si Carlo Vasquez mula sa bayan ng Baco, habang si Mary Rose Tupaz ng bayan ng Naujan ang kinilalang 1st Runner-Up sa female division.
Sa 2nd Runner-Up naman, nagwagi sa male division si Jonathan Igmedio ng bayan ng San Teodoro at sa female division si Charlene Basa ng bayan ng Baco. Tumanggap sila ng sash, crown, at tig-P7,500 cash prize.
Abangan ang opisyal na larawan at ang iba pang mga detalye ng balita.
