May 28, 2026 | News by PISD

๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐๐ถ๐ณ๐ฒ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ (๐๐๐ฆ) ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ
TINGNAN: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor, na maitaas ang kalidad ng serbisyong medikal at kahandaan sa panahon ng krisis, sumailalim sa dalawang araw na Basic Life Support (BLS) Training ang 66 kawani mula sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at Oriental Mindoro Central District na nagtapos ngayong araw, Mayo 28 sa Kapitolyo.
Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng pamunuan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), sa pangunguna ni OIC-Chief of Hospital at Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, sa pakikipagtuwang sa Provincial Health Office (PHO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na siyang nagsilbing mga tagapagsanay sa gawain.
Layunin ng pagsasanay na mas lalo pang maitaas ang antas ng kasanayan ng mga healthcare worker at support staff ng mga pampublikong ospital sa lalawigan sa pagtugon sa mga emergency situations partikular sa kaso ng cardiac arrest.
