ALAMIN: Datos sa naging resulta ng 2025 NDHS sa MIMAROPA

May 28, 2026 | News by PISD

𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡: Ang datos mula sa naging resulta ng 2025 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗺𝗼𝗴𝗿𝗮𝗽𝗵𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆 (NDHS) sa MIMAROPA.

Dito, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA ang sitwasyon sa antas ng kalusugan ng mga kababaihan at mga bata para sa taong 2025.

Partikular sa naitala ang estado ng pagbubuntis ng mga kababaihan, teenage pregnancy, pangangalaga sa mga buntis, pagbabakuna sa mga bata at iba pa.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng batayan ang pamahalaan sa paglalatag at pagpapatupad ng mga proyekto at programang higit na poprotekta at mangangalaga sa sektor ng kalusugan at sa sektor ng mga kababaihan sa rehiyon.

𝙎𝙤𝙪𝙧𝙘𝙚: PSA Mimaropa

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EFTPUFDeq/

Scroll to Top