Eid al-Adha 2026, ipinagdiwang

May 27, 2026 | News by PISD

Ngayong araw, ipinagdiriwang ang 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗰𝗿𝗶𝗳𝗶𝗰𝗲 o mas kilala bilang ang 𝐄𝐢𝐝 𝐚𝐥-𝐀𝐝𝐡𝐚.

Simbolo ito ng pag-alala ng ating mga kapatid na Muslim sa malalim na pananampalataya ni propeta Ibrahim matapos niyang kusang-loob na isakripisyo ang kaniyang anak na si Ismael bilang tugon sa pagsubok ni Allah sa kaniya.

Ang pagsubok na ito ay kaniyang napanagumpayan at imbis na ang kaniyang anak, napalitan ang sakrpisyo ng hayop na tupa.

Kaya naman, kasabay ng ipinagdiriwang ang Eid’l Adha, isinasagawa rin ng ating mga kapatid na Muslim ang Qurbani o pagsasakripisyo ng mga hayop tulad ng hayop at kambing.

Tanda ang selebrasyong ito ng kanilang pagpapahalaga sa pag-aalay at higit na pagpapapalalim ng debosyon , pagkakaisa, at pananampalataya.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EtpNwkk4s/

Scroll to Top