May 26, 2026 | News by PISD

𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓!
Lumakas at naging ganap nang bagyo o minor Tropical Depression ang Low Pressure Area o invest #99W sa silangan ng #Palau ayon sa datos na mula sa Japan Meteorological Agency o JMA.
May lakas ng hangin na aabot sa 55km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na umaabot sa 70km/h. Kumikilos ito kanluran- hilagang-kanluran ng mabagal.
Ayon sa forecast, ito ay posibleng pumasok sa loob ng PAR sa Biyernes ng gabi o sabado ng umaga at inaasahang lalapit sa silangan nang BicolRegion o CentralLuzon bago lilihis o magrekurba patungo sa timog ng Japan.
Inaasahan na magkakaroon ng Rapid Intensification ang bagyo at posibleng umabot pa sa SEVERE TROPICAL STORM CATEGORY ang lakas nito.
Patuloy na mag-antabay sa posible pang mga PAGBABAGO ng forecast sa susunod na mga araw, at pinapayuhan na natin ang ating mga kababayan na paghandaan na at maging alerto sa banta ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa dala ng mga pag-ulan. Ingat po.
Weather News 24/7 | May 26, 2026
