FPJ Youth sa lalawigan, binisita ni Cong. Brian Daniel Poe Llamanzares

May 26, 2026 | News by PISD

𝗙𝗣𝗝 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗯𝗶𝗻𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗕𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗣𝗼𝗲 𝗟𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝘇𝗮𝗿𝗲𝘀

26 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan – Nakipagkumustahan at nagbigay-inspirasyon si FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Daniel Poe Llamanzares sa 228 na FPJ Youth sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong ika-26 ng Mayo.

Ipinahayag ng kongresista ang kanyang buong-pusong suporta sa mga kabataang mag-aaral sa lalawigan na patuloy na nagsisikap na makatapos sa pag-aaral sa kabila ng mga nararanasang krisis at hamon ng buhay.

Samantala, kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, inanunsyo ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na malapit na ring ilunsad ang FPJ Desk sa lahat ng pampublikong ospital sa lalawigan upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangang mamamayan.

Bukod dito, isinagawa rin ang isang consultative meeting na layong alamin ang mga problema at suliranin ng mga kabataan na maaaring maihain at matalakay sa Kongreso. Nais niyang palakasin ang boses ng bawat kabataan upang maging mahalagang bahagi ng pagbabago ng lipunan.

Nagpasalamat naman ang bawat FPJ Youth sa kongresista sa patuloy na pagyakap at pagsuporta sa kagalingan ng bawat kabataang Pilipino.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18o3G8dHtU/

Scroll to Top