Ebalwasyon at balidasyon ng mga dokumento ng implementasyon ng mga programang pang nutrisyon, isinagawa

May 26, 2026 | News by PISD

Mayo 26, 2026/Regional Monitoring and Evaluation of Local Level Plan

Nagsimula nang sumailalim ang Oriental Mindoro contenders sa ebalwasyon ng Regional Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Team matapos mag courtesy call ang grupo sa tanggapan ni Provincial Health Officer at Provincial Nutrition Action Officer Doc Cielo Angela Ante.

Pinangunahan ang pagsasagawa ng ebalwasyon at balidasyon ng mga dokumento ng implementasyon ng mga programang pang nutrisyon ni NNC Regional Program Coordinator Eileen Blanco kasama ang kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources Malco Lamigo.

Maliban sa pagtatasa ng performance ng mga na piling contenders para sa iba’t ibang awards na ipagkakaloob ng NNC, nilalayon din ng gawain na mapalakas at mapasigla ang mga Municipal Nutrition Committee at mga Barangay Nutrition Committee sa pamamagitan ng maayos na dokumentasyon ng mga gawaing pang nutrisyon at mapalakas ang pakikipagtuwang nito sa iba’t ibang sektor para sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon na malaking salik sa mga lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng matagumpay at produktibong pamamahala.

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1bGg6gjwem/

Scroll to Top