May 26, 2026 | News by PISD

𝟮𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘄𝗶𝗱𝗲 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗘𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲 𝗗𝗿𝗶𝗹𝗹 (𝗡𝗦𝗘𝗗) 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗘𝘅𝗲𝗿𝗰𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴
𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟱, 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝗙𝗼𝗻𝘁𝗮𝗻𝗮 𝗗𝗲𝗹 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 / 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼
Nakipag-ugnayan ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢) sa ilalim ng pamumuno ni 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗩𝗶𝗻𝘀𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗕. 𝗚𝗮𝗵𝗼𝗹 sa mga tanggapan ng MDRRMO Pinamalayan, 2nd PMFC OrMin PPO, PNP MPS, BFP, MHO, MEO, MOD, TMO, Kabalikat Civicom, SANDUGO, at Sangguniang Barangay ng Poblacion II kaugnay ng gaganaping 2nd Quarter NSED sa ika-18 ng Hunyo taong 2026, sa Munisipyo ng 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 na napiling 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝗶𝗮𝗹 𝗩𝗲𝗻𝘂𝗲.
Tinalakay sa pagpupulong ang paggawa ng 𝐌𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐋𝐢𝐬𝐭 (𝐌𝐒𝐄𝐋) at 𝐄𝐱𝐞𝐫𝐜𝐢𝐬𝐞 𝐃𝐞𝐬𝐢𝐠𝐧 upang magkaroon ng organisado at maayos na daloy ng gaganaping drill. Kabilang din sa layunin ng nasabing aktibidad ang palawakin ang kamalayan at kaalaman ng ating mga kababayan sa mga panganib at epekto ng lindol at upang pataasin ang kanilang kakayahan na makapaghanda at mabilisang makatugon sa ganitong sakuna.
Patuloy na nagsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni 𝗚𝗼𝘃. 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗔. 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 na isulong ang mga programa sa disaster risk reduction and management upang maging resilient ang ating mga komunidad sa buong lalawigan.
———————————————————————————————————–
𝙋𝘿𝙍𝙍𝙈𝙊 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤 𝙃𝙤𝙩𝙡𝙞𝙣𝙚𝙨
𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻:
+(63) 948 146 0382
+(63) 920 951 3690
𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻:
+(63) 916 220 1847
𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻:
+(63) 948 154 1775
