May 25, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢:
Extended hanggang ika-5 ng Hulyo 2026 ang 𝐃𝐄𝐀𝐃𝐋𝐈𝐍𝐄 ng pag-avail ng 𝗥𝗘𝗔𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗧𝗔𝗫 𝗔𝗠𝗡𝗘𝗦𝗧𝗬 ng Pamahalaang Panlalawigan para sa pagbabayad ng buwis ng mga lupa at bahay nang walang penalties, surcharges o interes.
Samantala, patuloy namang nag-iikot ang mga kawani ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan na mayroong Town Crier upang ipabatid sa lahat ang deadline ng Amnesty na ito.
Samantalahin ang pagkakataong ito at pumunta na sa Treasurer’s Office ng inyong lugar o sa mismong PTO sa Kapitolyo.
