May 25, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nagtipon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, institusyon, at mga pribadong sektor para sa 2025 National Demographic and Health Survey (NDHS) Forum na pinangungunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) MIMAROPA sa Brgy. Parang, Lungsod ng Calapan.
Dito, iniuulat ang naging resulta ng isinagawang survey ng PSA para sa taong 2025 ukol sa estado ng kalusugan ng mga bata at mga kababaihan, mortality, fertility & family planning, domestic violence, at iba pang mga usaping panlipunan.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng basehan ang pamahalaan sa pagsasagawa at pagpapatupad ng mga programa at polisiyang higit na makatutulong upang higit na mapangalagaan at maitaguyod ang kapakanan ng mga mamamayan sa kasalukuyan at mga susunod pang taon.
Abangan ang buong detalye ng balita.
