ALAMIN: Paghahanda laban sa epekto ng El Niño sa mga alagang hayop

May 24, 2026 | News by PISD

🌞🐄🐖 PAGHAHANDA LABAN SA EPEKTO NG EL NIÑO SA MGA ALAGANG HAYOP 🐐🐓💧

Dahil sa matinding init at kakulangan sa tubig na dulot ng El Niño, mahalagang maging handa upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop. Sa tamang pagpaplano, sapat na tubig at pagkain, maayos na kulungan, at regular na pangangalaga sa kalusugan ng mga hayop, mas maiiwasan ang masamang epekto ng tagtuyot. 🌾☀️

📌 Tandaan:

✅ Mag-imbak ng sapat na tubig at pakain

✅ Siguraduhing may lilim at maayos na bentilasyon ang kulungan

✅ Panatilihing malinis at ligtas ang kapaligiran ng mga alaga

✅ Sumunod sa tamang pagbabakuna at deworming

✅ Maging alerto sa mga abiso ukol sa panahon

💙 Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga alagang hayop at kabuhayan laban sa epekto ng El Niño.

#ElNiñoPreparedness#AnimalHealth#LivestockCare#ProVetOrientalMindoro#HandangHanda#AlagangHayopProtektado

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CpxqPL7Kc/

Scroll to Top