PGSO, nagsagawa ng paglilinis sa Kapitolyo

May 23, 2026 | News by PISD

“Saturdays Are For The Boys!”

🛠️
🌴

Hindi lang basta weekend, kundi weekend para sa kaligtasan ng publiko!Isinagawa ngayong Sabado ang paglilinis at pagtatabas ng mga tuyong dahon ng mga palm tree sa paligid ng Kapitolyo. Layunin nitong maiwasan ang aksidente at pinsala sa mga nakaparadang sasakyan at motor sa lugar.Sinuportahan ang aktibidad na ito ng mga utility personnel ng Provincial General Services Office (PGSO) sa pangunguna ni Foreman Roy Nieva, katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nagpahiram ng kanilang boom truck para sa mas mabilis at ligtas na operasyon.Saludo sa ating mga kawani na patuloy na naglilingkod para sa isang ligtas na Kapitolyo!

🫡

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BWUpbPvtz/

Scroll to Top