May 23, 2026 | News by PISD

Nitong nakaraang Hwebes, ika-21 ng Mayo, bilang bahagi ng obserbasyon ng Ocean’s Month na may temang “Sustaining Ocean Health, Sailing Towards a Resilient Nation,” pinangunahan ng PG-ENRO ang paglilinis sa tabing-dagat at pagtatanim ng bakaw sa Sitio Suguicay, Brgy. San Juan sa bayan ng Bulalacao.
100 katao ang dumalo aat nakiisa sa mga nabanggit na aktibidades mula sa Phil. National Police, MENR Officer at MENRO-Staff ng LGU-Bulalacao, Brgy. Officials, Brgy. Health Workers, Brgy. Day Care Workers, 4Ps Beneficiaries, Brgy. Police, at mga residente ng San Juan. Nakiisa rin sa gawain ang MENRO ng Gloria at mga residente ng karatig-barangay ng San Vicente.
Ang mga nasabing gawain ay ilan sa mga hakbangin para sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at pangangalaga ng kapaligiran at karagatan, at mapayabong ang forest cover ng lalawigan.
