May 23, 2026 | News by PISD

๐๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ, ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐
Mula sa pagiging isang mag-aaral na nakaranas maglakad sa putikan patungong paaralan sa Oriental Mindoro, ngayon, si ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ต๐๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐ฝ๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ผ๐ป, 31 taong gulang mula sa bayan ng Gloria, ay isa nang ganap na guro sa bansang Alaska na nakararanas ng ginhawa sa buhay matapos magsikap, mangarap at magtagumpay.
Kasalukuyan siyang nagtuturo ng agham sa paaralang elementarya ng Sidney Huntington sa Galena, Alaska sa loob ng halos dalawang (2) taon.
Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd), major in Filipino sa tulong ng scholarship program. Aminado siya na naging mailap ang oportunidad sa kanya, maraming pintuan ang nagsara dahil sa kanyang espesyalisasyon sa wikang Filipino na malayo sa international teaching market.
Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya na sumuko at huminto sa pangangarap ng masaganang buhay.
Nagsimula siyang magturo sa Thailand noong taong 2019 at kalauna’y lumipat sa Taif, Saudi Arabia. Dito niya natutunan ang iba’t ibang kultura at sistema ng edukasyon habang pinapanday ang kanyang karanasan bilang guro sa ibang bansa.
Matapos ito, nagbukas ang oportunidad sa Alaska at dito niya patuloy na binubuo ang magandang kwento ng kanyang buhay at tagumpay kasama ang kanyang asawa at anak. Naibahagi niya na isa sa mga hindi niya malilimutang karanasan ay ang personal na makita ang Aurora Borealis o Northern Lights na nagpaalala sa kanya kung gaano na kalayo ang kaniyang narating mula sa simpleng buhay sa Mindoro.
Bagama’t hindi kasama sa kanyang orihinal na plano ang pagtuturo ng agham, pinatunayan niyang hindi hadlang ang kinuha niyang kurso sa pag-abot ng kanyang pangarap.
Nagsisilbi siya ngayong inspirasyon sa mga kapwa niya nagtapos na Filipino major na tinitingnang limitado ang oportunidad para sa kanila.
Sa kanyang prinsipyong “๐ ๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐บ, ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฒ, ๐ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐”, pinatunayan niyang hindi kailanman magiging hadlang ang mahirap o simpleng pinagmulan ng isang Mindoreรฑong matatag, matiyaga at may mataas na pangarap sa buhay.
๐ฆ๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป: The Global Filipino Magazine
๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฒ๐๐: Sir May Jhune L Sadicon
