May 22, 2026 | News by PISD

22 May 2026
Puspusan ang naging paghahanda ng mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangununa ni Gng. Zarah C. Magboo, para sa nalalapit na Inter-tribal Sportsfest na gaganapin mula sa ika-25-28 ng Mayo sa Lungsod ng Calapan.
Muling ilulunsad ang nasabing gawain alinsunod sa direktiba ng butihing Gobernador Bonz Dolor bilang bahagi ng pagsusulong sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kultura ng mga katutubong Mangyan. Layunin din nitong higit pang pagtibayin ang pagkakaisa ng walong tribo sa pamamagitan ng mga katutubong palaro at ibat ibang gawain na magpapakita, magpapakilala, at magpapayaman sa kanilang mayamang kultura at tradisyon.
Inaasahan na magiging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang na magsisilbing daan upang higit na mapahalagahan pagkakakilanlan at pamana ng mga katutubong pamayanan sa lalawigan.
