Mga kawani ng Kapitolyo, nagsagawa ng general cleaning

May 22, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Alinsunod sa Memorandum Order No. 74, s. 2026 na ibinaba ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II, nagsagawa ng paglilinis ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa kani-kanilang opisina ngayong Biyernes, ika-22 ng Mayo 2026.

Nagkakaisang nagwalis, nagtanggal ng mga alikabok sa paligid, nag-ayos ng mga gamit, at nagpulot ng mga basura ang mga empleyado sa mga lugar na nakatalaga sa kani-kanilang departamento.

Bukod sa loob ng mga opisina, kabilang din sa kanilang nilinis ang mga sahig at kisame ng mga pasilyo at daanan sa Kapitolyo.

Pinangunahan naman ng Provincial General Services Office (PGSO) na pinamumunuan ni OIC-PGSO Atty. Jean Phebie G. De Mesa ang paglilinis ng mga lugar na hindi sakop ng mga pangunahing opisina.

Bahagi ang inisyatibang ito ng mandato ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na tiyaking ligtas, kaaya-aya, at malinis ang kapaligiran ng Kapitolyo para sa kapakanan ng mga empleyado at mga mamamayang magtutungo dito.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BMkV9JMeD/

Scroll to Top