May 22, 2026 | News by PISD

๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฆ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐ผ๐๐๐๐๐ฒ๐บ๐ ๐๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ฒ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด, ๐๐๐บ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ฟ๐ถ-๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฐ๐ถ๐น๐ถ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฉ๐ฒ๐ป๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ฑ๐ฒ๐ฎ
Dalawang grupo mula sa ikaapat na taon ng Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering (BSABE) na kumukuha ng kursong Technopreneurship (ABE 41) ang nagtungo sa Provincial Agri-Processing Center sa Provincial Demonstration Farm sa Merit, Victoria mula Mayo 18 hanggang 20, 2026.
Ginamit ng mga mag-aaral ang oven dehydrator at pulverizer para sa pagbuo ng dehydrated vegetable-based product prototypes bilang bahagi ng kanilang business study at proposed venture ideas.
Sa pamamagitan ng hands-on learning at paggamit ng makabagong kagamitan, nabigyan ang mga estudyante ng pagkakataong maisabuhay ang kanilang mga konsepto sa agribusiness, product development, at value-adding innovations sa sektor ng agrikultura.
Patuloy namang pinatitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamumuno ni Governor Humerlito โBonzโ A. Dolor at sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโs Office (PAgO) sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine, ang suporta sa mga kabataan at institusyong pang-edukasyon sa larangan ng agrikultura at agribusiness.
Sa pagbibigay ng access sa mga pasilidad at kagamitan sa pagpoproseso, layunin ng programa na mahubog ang susunod na henerasyon ng mga innovator, researchers, at technopreneurs na mag-aambag sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Ipinapakita rin ng mga ganitong inisyatibo ang mahalagang ugnayan ng akademya at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng pananaliksik, inobasyon, at value addition sa agrikultura. Sa pamamagitan ng mga makabagong pasilidad, nabibigyan ang mga mag-aaral ng praktikal na karanasan habang nakalilikha ng mga produktong may potensyal na makatulong sa pag-unlad ng lokal na industriya ng pagkain at agribusiness. ![]()
![]()
