Organic Certification in Progress: Final Inspection of Mina De Oro PGS Association

May 21, 2026 | News by PISD

𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐒𝐜 π‚πžπ«π­π’πŸπ’πœπšπ­π’π¨π§ 𝐒𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐞𝐬𝐬: π…π’π§πšπ₯ 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐒𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐌𝐒𝐧𝐚 𝐝𝐞 𝐎𝐫𝐨 𝐏𝐆𝐒 π€π¬π¬π¨πœπ’πšπ­π’π¨π§

Nagkaroon ng Final Inspection ang Mina de Oro Participatory Guarantee System (PGS) Association bilang bahagi ng proseso para sa pagiging isang ganap na Organic Certified Farm. Isinagawa ito noong Mayo 19–21, 2026 sa pangunguna ng Department of Agriculture – Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (DA-BAFS), katuwang ang Department of Agriculture – Organic Agriculture Program, Municipal Agriculture Offices, at ang Provincial Agriculturist’s Office (PAgO). Layunin nitong patatagin ang adbokasiya para sa mas ligtas, dekalidad, at organikong produksyon.

Limang (5) core member ang sumailalim sa masusing pagsusuri bilang bahagi ng pagpapatibay ng kanilang pagsunod sa mga pamantayan ng organikong pagsasaka, kabilang ang:

🌱Aneth’s Garden – Ms. Anita A. Pagkaliwagan (Naujan)

🌱Kuatro MariaS’ Agroecology Farm – Mr. Jonjon B. Sarmiento (Victoria)

🌱Cleofe’s Garden and Nature Farm – Ms. Cleofe M. Atienza (Gloria)

🌱Malugay Chili Hills – Mr. Dominador V. Remendado Jr. (Socorro)

🌱Gelacio I. Yason Foundation-Family Farm School – Ms. Mina C. Ballesteros (Roxas)

Sinuri sa inspeksyon ang kabuuang gawain sa bukid, mula sa pagbabawal ng paggamit ng mga synthetic kemikal at inorganikong abono patungo sa paggamit ng organikong pataba, hanggang sa mga makakalikasang pamamaraan tulad ng composting, biofertilizers, biological pest control, crop rotation, at intercropping. Tinitiyak din ang maayos na farm management, biodiversity conservation, at kalinisan ng mga pasilidad upang maiwasan ang anumang kontaminasyon.

Isinama rin sa proseso ang pagsusuri sa record keeping ng mga magsasaka, kabilang ang pinanggagalingan ng binhi, rekord ng produksiyon, ginamit na inputs, dami ng ani, at iba pang dokumentasyon na mahalaga para sa β€œtransparency at traceability” ng kanilang mga produkto.

Ang isinagawang Final Inspection ay patunay ng dedikasyon ng Mina de Oro PGS Association sa pagsusulong ng sustainable at environment-friendly na pagsasaka, isang hakbang para sa mas malusog na komunidad at ligtas na kinabukasan sa agrikultura.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ao96JCoa7/

Scroll to Top