May 21, 2026 | News by PISD


๐ ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ฎ, ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐ข ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ
21 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan – Libreng pagsasanay sa pagbabalangkas ng mga polisiya para sa mga kooperatiba ang pinangunahan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ngayong araw sa Tamaraw Hall ng Provincial Capitol.
Sa pangunguna ni PCD Officer Orlando B. Tizon, isinagawa ang โPolicy Formulation and Development for Cooperativesโ Seminar-Workshop na naglalayong bigyang-kaalaman at hasain ang kasanayan ng mga opisyal ng kooperatiba sa paglikha at pagpapaunlad ng kanilang mga patakaran para sa mas maayos na pamamahala ng kanilang samahan.
Tinalakay sa aktibidad ang mga mabubuting dulot ng pagkakaroon ng malinaw na mga polisiyang pangkooperatiba at ang mahigpit na pagpapatupad nito upang mapahusay ang kani-kanilang pang-araw-araw na operasyon.
Gayundin, itinuro sa kanila ang mahahalagang batayan sa proseso at pagsasagawa ng mga patakaran na kinakailangang sumusunod sa mga regulasyong isinasaad ng mga umiiral na batas at alituntuning pangkooperatiba.
Binigyang-diin naman ni PCD Officer Tizon na ang mga polisya ay dapat sinusuring mabuti, epektibong naipatutupad at nauunawaan ng bawat miyembro.
Bahagi ang gawain ng adhikain ng administrasyon ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor na higit pang palakasin ang sektor ng kooperatiba na katuwang ng pamahalaan sa pagpapalago at pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.
