DA-PhilRice at SIDC, nagsagawa ng Benchmarking Activity sa PAgO OrMin.

May 21, 2026 | News by PISD

🌾 𝐃𝐀-𝐏𝐑𝐒π₯π‘π’πœπž 𝐚𝐭 π’πˆπƒπ‚, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 ππ„ππ‚π‡πŒπ€π‘πŠπˆππ† π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ 𝐒𝐀 ππ€π πŽ 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚π₯ 𝐌𝐒𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨

Nagsagawa ng benchmarking activity ang Department of Agriculture–Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), katuwang ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC), sa Provincial Agriculturist’s Office ng Oriental Mindoro nitong Mayo 21, 2026 sa ilalim ng proyektong Rice Business Innovations System (RiceBIS) ng DA-PhilRice Los BaΓ±os.

Layunin ng aktibidad na tuklasin at mapalawak ang mga oportunidad sa paggamit at value-adding ng rice products ng partner farmer group ng SIDC sa Naujan, Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga natalakay ang suportang maaaring ibigay ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) para sa product development at paggamit ng Rice Innovation Center sa pagproseso ng mga produktong mula sa bigas. Sa pakikipagtulungan ng DOST–Provincial Science and Technology Office Oriental Mindoro, patuloy na isinusulong ng PAgO ang mga value-adding innovations para sa rice-based products upang mapataas ang halaga ng ani ng ating mga magsasaka at mabawasan ang pagkalugi dulot ng oversupply ng bigas.

Ipinakita rin ng PAgO ang iba’t ibang kagamitan sa Rice Innovation Center at mga pasilidad na matatagpuan sa Provincial Demo Farm sa Merit, Victoria, kabilang ang mga produktong maaaring likhain gamit ang mga makabagong kagamitan at teknolohiya.

Tinalakay din sa pagpupulong ang mga posibleng partnership at kolaborasyon upang higit pang mapalakas ang koordinasyon ng mga serbisyong pampamahalaan at makapagbigay ng mas malawak na oportunidad sa merkado para sa mga magsasakang MindoreΓ±o.

Patuloy na isinusulong ng Provincial Agriculturist’s Office, sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine at sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito β€œBonz” A. Dolor, ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng rice industry at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka sa Oriental Mindoro. 🌱

Source: https://www.facebook.com/share/p/17qtDDGmVz/

Scroll to Top