Pagtitiyak na maayos ang malawakang inventory ng bawat opisina ng Pamahalaang Panlalawigan, isinagawa ng PGSO

May 20, 2026 | News by PISD

Kasalukuyang binibisita ng Records and Archives Management Division (RAMD) ang iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Layunin ng malawakang inventory na ito na masigurong maayos, ligtas, at sistematiko ang ating mga opisyal na dokumento alinsunod sa mga pamantayan ng National Archives of the Philippines (NAP).

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga opisina at departamento sa inyong kooperasyon para sa mas maayos na pamamahala ng ating mga opisyal na records.

#PGSO#RAMD#RecordsManagement#OrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HeB43LcX5/

Scroll to Top