May 20, 2026 | News by PISD

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay-serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng PG-ENRO Sub-station sa CITS-Roxas, sa mga mamamayan sa Ikalawang Distrito ng Lalawigan.
Isa na rito ang Cashiering Services kung saan makaka-avail ang mga Commercial Sand and Gravel (CSAG) Permittees ng kanilang mga dokumentong kakailanganin tulad ng pagbili ng Delivery Receipts (DRS) na isa sa kanilang mga rekisito para sa kanilang CSAG Operations.
Ang Cashiering Services sa CITS-Roxas ay bukas tuwing araw Lunes. Bukas rin ang Sub-station Office ng PG-ENRO para sa mga katanungan at iba pang serbisyong kailangan ng mga nasa 2nd District ng lalawigan.
