Adoptors ng kapeng bigas sa ilalim ng Rice Innovation center sa Demo Farm, pinalakas ng Pamahalaang Panlalawigan

May 20, 2026 | News by PISD

𝐀𝐝𝐨𝐩𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐞𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐠𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐒π₯𝐚π₯𝐒𝐦 𝐧𝐠 π‘π’πœπž 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐯𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧 π‚πžπ§π­πžπ« 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐒𝐧𝐜𝐒𝐚π₯ πƒπžπ¦π¨π§π¬π­π«πšπ­π’π¨π§ π…πšπ«π¦ 𝐌𝐞𝐫𝐒𝐭 π•π’πœπ­π¨π«π’πš, 𝐏𝐒𝐧𝐚π₯𝐚𝐀𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐑𝐚π₯𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧π₯𝐚π₯𝐚𝐰𝐒𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐒𝐞𝐧𝐭𝐚π₯ 𝐌𝐒𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨

Patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni Governor Bonz Dolor at sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO), ang inobasyon at pagpapalawak ng oportunidad sa agri-business sa lalawigan partikular sa value-adding ng lokal na ani ng bigas.

Sa ilalim ng Rice Innovation Center na matatagpuan sa Provincial Demonstration Farm at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) – MIMAROPA para sa mga kagamitan sa pagproseso, anim na kooperatiba at samahan ang naging aktibong adoptors ng Rice Brew/Mix o kapeng bigas ngayong 2026 bilang panimulang hakbang sa kanilang bagong negosyo.

Kabilang sa mga samahang gumamit ng coffee roaster at pulverizer ng pasilidad ang Santa Theresa Women Group, Samahang Pangkabuhayan ng Brgy. Motoderazo (SAMAPABAMOTO), Pakyas-Duongan Leido Irrigators Association, Young Agripreneur Marketing Association (YAMAn-Or-Min), RIC Zone IV-Socorro Samahang Pinagbuklod, at Oriental Mindoro Initiative for Sustainable Agriculture Development (ORMISAD) na may kabuuang dalang 100 kilo na bigas para sa produksyon.

Layunin ng mga samahang ito na makabuo ng Rice Brew/Mix bilang isang value-added product na maaaring magsilbing alternatibong kabuhayan at karagdagang kita ng mga miyembro. Ang paggamit ng makabagong kagamitan ay nagbigay-daan sa mas maayos, episyente, at de-kalidad na produksyon ng kapeng bigas, isang produktong may potensyal sa lokal at mas malawak na merkado.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng value addition sa mga pangunahing produktong agrikultural, partikular ang bigas, upang makalikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan, mas maiangat ang halaga at kita mula sa mapalakas ang lokal na ekonomiya, at mahikayat ang mga samahan at kabataan na pumasok sa agribusiness.

Sa patuloy na pakikipagtulungan ng PGOM-PAgO at DOST-MIMAROPA, inaasahang mas marami pang samahan at kooperatiba ang makikinabang sa mga pasilidad ng Rice Innovation Center at makapaglalabas ng mga makabagong produktong agrikultural mula sa lokal na ani ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CsQjg5UTK/

Scroll to Top