Tig ₱65,000 halaga ng tseke, ipinagkaloob sa dalawang former rebels

May 18, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, katuwang sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Frederick C. Gumabol, Board Member Jomarc Philip E. Dimapilis at Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer Zarah C. Magboo, ang pagkakaloob ng tig ₱65,000 halaga ng tseke sa dalawang former rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan sa ginanap na turnover ceremony sa Kapitolyo ngayong araw, Mayo 18.

Bahagi ito ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP na nagbibigay ng paunang tulong sa mga dating rebelde upang makapagsimulang muli sa kanilang pagbabagong buhay at muling makapamuhay ng normal sa lipunan.

Ipinaabot ni Gobernador Bonz ang kaniyang pagbati at pasasalamat sa dalawang former rebels dahil sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan. Aniya, patunay lamang ito na may iisang pamahalaan tayo na nakahandang tumanggap at tumulong sa mga nagbabalik loob sa pamahalaan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1SLJ7T2r3N/

Scroll to Top