Pagsasaayos ng operasyon ng bagong IPPs, may palugit hanggang May 31; pagkakansela sa kontrata at paghahain ng reklamo, isasampa sa mga hindi tutupad dito

May 18, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐˜€, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ๐Ÿญ; ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ผ, ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ

18 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Mahigpit ang utos ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa mga bagong Independent Power Producers (IPPs) na kakontrata ng Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) na tuparin ang kanilang obligasyong gawing operational ang mga plantang magbibigay ng karagdagang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Ito ay matapos maiulat sa isinagawang Press Conference ngayong araw ang pagkaantala sa operasyong nakasaad sa kontrata ng mga nasabing IPPs, na dapat sana ay naisagawa noon pang 2025. Dahil dito, hindi natamo ang inaasahang karagdagang suplay ng kuryente.

Binigyang-palugit ng Gobernador hanggang ika-31 ng Mayo ang mga nasabing IPPs upang tuluyang maisaayos ang mga problemang nagbunsod sa nasabing pagkaantala at agarang makapagsimula ng kanilang operasyon.

Kasabay nito ang mahigpit niyang babala na pagkakansela ng kontrata at paghahain ng reklamo ng Pamahalaang Panlalawigan sa husgado laban sa mga hindi tutupad sa nasabing palugit.

Kung mapabibilis ang operasyon ng apat na bagong IPPs, magbibigay ito ng karagdagang 37 MegaWatts (MW) sa suplay ng kuryente mula sa bilang ng nararapat na suplay ng mga ito:

โ€ข Lot 4 Naujan โ€“ 5 MW

โ€ข Lot 5 Pinamalayan -14 MW

โ€ข Lot 6 Bansud โ€“ 10 MW

โ€ข Lot 7 Roxas โ€“ 8 MW

Bukod dito, inamin naman ni ORMECO, Inc. General Manager Humphrey Dolor na kasalukuyan silang humaharap sa kritikal na sitwasyon dulot ng mga hamong kaakibat din ng kakulangan sa suplay ng Renewable Energy na sanhi ng kasalukuyang antas ng panahon, problema sa suplay ng produktong petrolyo, at limitadong transmission system.

Ayon sa isinagawang ulat ng ORMECO, nakapagtala ng kabuuang 75.31 MW na pangangailangan sa suplay ng kuryente ngayong buwan ng Mayo na mas mataas sa 56.5MW na available supply.

Dahil dito, nakaranas ng 18.81MW na kakulangan noong ika-11 ng Mayo na nagbunsod ng patuloy na nararanasang rotational brownout sa ibaโ€™t ibang lugar sa lalawigan upang mapanatiling stable ang sistema ng suplay ng kuryente at maiwasan ang ganap na pagbagsak nito.

Tiniyak naman ng Gobernador na handang magpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan upang mas mapabilis ang proseso ng operasyon ng IPPs at masolusyonan ang hamon sa suplay ng produktong petrolyo.

Partikular dito ang agarang paghahatid ng sulat upang mag-apela sa Energy Regulatory Commission (ERC) sa agarang schedule ng hearing para sa Lot 5 at mabigyan na ito ng Authority to operate.

Handa rin umano ang Pamahalaang Panlalawigan na makipag-ugnayan sa mga shipping lines upang masolusyonan ang problema sa paghahatid ng suplay ng produktong petrolyo sa lalawigan na may malaking epekto sa operasyon ng serbisyong pangkuryente.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JMvRdTcW4/

Scroll to Top