May 18, 2026 | News by PISD



๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ, ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ
18 Mayo 2026 – Itinalaga bilang bagong kalihim ng Senado si Atty. Jose Luis G. Montales, mula sa Lungsod ng Calapan, sa isinagawang unang pagtitipon ng mga Senador sa Senado bilang Impeachment Court ngayong ika-18 ng Mayo.
Itinuturing na makasaysayan ang pagkakatalaga sa kanya dahil siya pa lamang ang kauna-unahang opisyal na nakakapagsilbi bilang House Secretary General at Senate Secretary.
Nauna siyang naglingkod bilang Secretary General ng House of Representatives of the Philippines noong House Speaker pa lamang si Senate President Alan Peter Cayetano.
Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa Senado ng mga impeachment complaint laban kay Bise-Presidente Sara Z. Duterte-Carpio, malaki at mahalaga ang papel na gagampanan ni Atty. Montales bilang bagong kalihim ng Senado.
Magsisilbi rin siya bilang Clerk of Court ng Impeachment Court na pangunahing mangangasiwa sa mga rekord, dokumento at mga prosesong administratibo sa panahon ng impeachment trials.
: Senate of the Philippines
