May 18, 2026 | News by PISD

๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐ก๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ซ๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐
๐๐๐๐ง ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ๐ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐
18 Mayo 2026, Lungsod ng Calapan โ Pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipagtuwang sa Pamahalaang Panlalawigan at Provincial Department of Health Office (PDOHO) ang pamamahagi ng tablet sa mga Barangay Health Workers ng 65 natukoy na barangay sa ginanap na turnover ceremony sa Kapitolyo.
Ayon kay DICT MIMAROPA Regional Director Emmy Lou V. Delfin, ang pamamahagi ng tablet ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng kanilang ahensya sa pagsusulong ng digital transformation sa mga malalayong lugar. Layunin nito aniya, na mapalakas ang komunikasyon sa pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng telemedicine services.
Binigyang-diin ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga ganitong kagamitan upang mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong barangay sa lalawigan.
Nakiisa at sumuporta sa naturang gawain si Vice Governor Antonio S. Perez, Jr. kasama ang mga Bokal na sina C. Voltaire S. Brucal, Atty. Jomarc Philip E. Dimapilis, Atty. Rolando H. Ruga, Ryan Z. Arago, Jean Paulo R. Umali, IPMR Lagtum A. Pasag, Provincial DOH Officer Dr. Ramon C. Bombais at iba pang mga opisyal.
