Mga nagwagi sa 5th SIGLAKAS Governor’s Cup 2026, pinarangalan

May 17, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฑ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—–๐˜‚๐—ฝ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

17 ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ 2026, ๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ – Pinarangalan ang mga natatanging koponan at manlalaro sa ginanap na awarding ceremony ng 5th SIGLAKAS Governorโ€™s Cup 2026 sa bayan ng Pinamalayan.

Sa basketball, itinanghal na kampeon ang Cluster 1 na tumanggap ng tropeo at Php20,000 cash prize. Nakuha naman ng Cluster 2 ang first runner-up na may tropeo at Php15,000 cash prize, habang second runner-up ang Cluster 3 na tumanggap ng Php10,000. Third runner-up ang Cluster 6 na nakatanggap ng Php7,000, at fourth runner-up ang Clusters 4 at 5 na tumanggap ng tig-Php5,000 kasama ang tropeo.

Samantala, sa volleyball, nagkampeon ang Cluster 3 na tumanggap ng tropeo at Php10,000 cash prize. Naging first runner-up ang Cluster 5 na may Php8,000 cash prize, second runner-up ang Cluster 2 na tumanggap ng Php6,000, at third runner-up ang Cluster 6 na nakatanggap ng Php5,000. Samantala, fourth runner-up ang Cluster 1 at fifth runner-up ang Cluster 4 na parehong tumanggap ng Php2,000 kasama ang tropeo.

Dinaluhan ng mga opisyal ng barangay na pawang kalahok ang programa bilang pagkilala sa husay at dedikasyong ipinamalas ng mga atleta sa buong torneo.

Ang SIGLAKAS Governorโ€™s Cup ay proyekto ng Samahan ng Barangay Kagawad ng Pinamalayan (SABAKAP) na hinati sa ibaโ€™t ibang cluster upang higit na mapalawak ang partisipasyon ng mga barangay.

Layunin nitong higit pang malinang ang talento, kakayahan at mapalakas ang disiplina, pagtutulungan, at pakikipagkaisa ng mga kalahok.

Kinilala rin ang individual awardees bilang MVP na nagpakitang-gilas sa kani-kanilang laro, sportsmanship, at ambag sa kanilang mga koponan.

Patuloy namang sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Bonz Dolor, ang mga programang pampalakasan tulad nito bilang bahagi ng pagsusulong ng community development sa lalawigan.

Tao-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni SABAKAP President Limuel G. Colorado kay Gov. Dolor na aniya’y Board Member pa lamang noon ang Ama ng Lalawigan nang sila ay sinimulang suportahan.

Pinangunahan ang gawain ng mga kawani ng Office of the Governor – Special Concerns Division (SCD) sa pamumuno ni SCD Chief Windol Alcuran.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1VWjWDfMLt/

Scroll to Top