May 16, 2026 | News by PISD


𝗣 𝟲.𝟮𝗠 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻
16 Mayo 2026, Naujan – Pinasinayaan ngayong araw ang P 6.2 milyong proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan na Multi-purpose Covered Court at Senior Citizen Hall sa Brgy. San Antonio sa bayang ito.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos Dolor katuwang si Brgy Captain Angelo C. De Leon ang pagpapasinaya ng mga nasabing proyekto.
“Nawa ang mga proyektong ito ay maging hudyat ng patuloy na pag-unlad at pagkakaisa ng buong barangay. Mahalin ninyo ito at nawa’y mapakinabangan ng maayos ng mga mamamayan,” ang mensahe ni Governor Bonz.
Pasasalamat ang ipinaabot ni Brgy. Capt. De Leon sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa mga proyektong natanggap. Aniya, ang mga proyektong ito ay katuparan ng kanilang mga pangarap para sa tuluy-tuloy na pagpapaunlad ng Brgy. San Antonio.
Nakiisa rin at sumuporta sa gawain si Naujan Vice Mayor Dan C. Melgar kasama ang iba pang mga opisyal.
