Participatory Coastal Resource Assessment sa mga baybaying bayan ng lalawigan, pinasimulan na

May 15, 2026 | News by PISD

ππ‘πŽπ“π„π‚π“πˆππ† πŽπ”π‘ π‚πŽπ€π’π“π’ π“πŽπ†π„π“π‡π„π‘: 𝐏𝐂𝐑𝐀 π…πŽπ‘ π’π”π’π“π€πˆππ€ππ‹π„ π‚πŽπ€π’π“π€π‹ π‘π„π’πŽπ”π‘π‚π„ πŒπ€ππ€π†π„πŒπ„ππ“ 𝐈𝐍 πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹ πŒπˆππƒπŽπ‘πŽ

Sa pakikipagtulungan ng Conservation International Philippines sa ilalim ng Transformative Actions for Climate and Ecological Protection and Development (TRANSCEND) Project, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist’s Office at mga Municipal Local Government Units, pormal nang sinimulan ang pagsasagawa ng Participatory Coastal Resource Assessment (PCRA) sa mga baybaying bayan ng lalawigan.

Layunin ng gawaing ito na suportahan ang pagbabalangkas at pag-update ng Municipal Integrated Coastal Resource Management Plans (ICRMPs) ng bawat lokal na pamahalaan.

Ang PCRA ay isang mahalagang hakbang sa coastal resource management planning dahil pinalalakas nito ang aktibong partisipasyon ng mga stakeholder at komunidad sa pangangalaga, konserbasyon, at napapanatiling pamamahala ng yamang-dagat at baybayin.

Sa pamamagitan ng prosesong ito, nakakalap ng updated at community-validated baseline data tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga yamang pangisdaan at mahahalagang coastal ecosystems tulad ng mangrove forests, seagrass beds, coral reefs, at iba pang fisheries habitats. Ang mga impormasyong ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng mas epektibo, science-based, at pangmatagalang coastal resource management plans para sa bawat bayan. Kasama rin ang mga secondary data ukol sa marine resources at fisheries bilang pangunahing inputs sa pagbuo ng Municipal Environmental Profile component ng ICRMP.

Isinasagawa ang PCRA mula Mayo hanggang Hunyo ngayong taon sa mga baybaying bayan ng Bulalacao, Mansalay, Roxas, Bongabong, Bansud, Gloria, Pinamalayan, Calapan City, Naujan, San Teodoro, at Puerto Galera. Target na makumpleto ngayong taon ang Municipal ICRMP 2026–2030 ng mga nasabing bayan.

Unang isinagawa ang PCRA sa mga bayan ng Roxas at Bongabong noong Mayo 4–7, 2026, na dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa coastal communities kabilang ang mga miyembro ng Bantay Dagat, lider ng mangingisda, mga kinatawan mula sa Municipal Agriculturist Office, at mga kawani mula sa Municipal Planning and Development Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang PCRA sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay, at nakatakda rin itong ipagpatuloy sa iba pang coastal municipalities sa mga susunod na linggo.

Taos-pusong pasasalamat sa Conservation International Philippines sa pamamagitan ng TRANSCEND Project para sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa pagsusulong ng mga programa at plano tungo sa responsableng pangangalaga, konserbasyon, at napapanatiling pamamahala ng yamang baybayin at karagatan ng lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18hoMhEUkm/

Scroll to Top